Radio reporter, tinaga ng kapitbahay sa Aklan

Aklan – Sugatan ang isang radio reporter matapos tagain ng kanyang kapitbahay na pinsan sa Sitio Laguna, barangay Cayangwan, Makato, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Rolly Herrera, 63-anyos na reporter ng isang FM radio station at residente ng naturang lugar.
Sa ulat, sumugod ang suspek na si Jerevic Temple sa bahay ng bitkima at nagalit ito dahil masyadong malakas ang kanilang pagpapatugtog.
Hindi naman nakipagtalo ang biktima pero bigla na lamang kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga siya habang nakatalikod.
Agad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang biktima na may ng tama ng itak sa balikat, likod, batok at siko habang naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

Facebook Comments