RANDOM INSPECTION SA TARIPA AT PERMIT NG MGA TRICYCLE SA LUNA, LA UNION, ISINAGAWA

Nagsagawa ng random inspection ang Sangguniang Bayan Committee on Transportation sa Luna, La Union, noong Marso 11, 2026 upang tiyakin ang pagsunod ng mga tricycle operator at driver sa mga regulasyon ng pampublikong transportasyon.

Sinuri sa inspeksyon kung may nakapaskil na aprubadong fare matrix o taripa at valid permit o prangkisa ang mga tricycle. Layunin nitong maprotektahan ang mga commuter laban sa hindi awtorisadong paniningil at mapalakas ang disiplina sa sektor ng transportasyon.

Sa inspeksyon, may ilang operator na walang nakapaskil na fare matrix, may iba namang walang permit, at mayroon ding parehong kulang sa mga kinakailangang dokumento. May ilan ding gumagamit lamang ng photocopy ng fare matrix sa halip na opisyal na kopya.

Nagpahayag din ng pangamba ang ilang driver tungkol sa pagtaas ng presyo ng gasolina at humiling ng posibleng pagtaas ng pamasahe. Ayon sa komite, ang anumang fare adjustment ay kailangang dumaan sa tamang proseso ng pagsusuri at pag-apruba.

Binigyang-diin ng komite na layunin ng inspeksyon na gabayan ang mga operator at driver tungo sa tamang pagsunod sa mga regulasyon at mas maayos na serbisyo sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments