Rapid deportation ng mga dayuhang iligal na nakatira sa Amerika, ipatutupad

Tinatayang tatlong-daang libo sa kabuuang 11 milyong migrante ang maaapetuhan kapag naipatupad na ang bagong batas sa US ngayong Martes.

 

Batay sa bagong deportation rule, hindi na dadaan sa korte ang pagpapaalis sa sinumang walang maipapakitang katibayan na sila ay nanirahan sa US ng kahit dalawang taon.

 

Ayon kay US President Trump, hindi siya mangingiming ipa-deport ang sinumang mahuhuli kapag nagsimula nang ipatupad ang batas.


 

Dagdag naman ni President of the Leadership Conference on Civil and Human Rights Vanita Gupta babaguhin ng administrasyon ni Trump ang dating Immigrations and Customs Enforcement (ICE) sa “show your papers army”.

 

Hindi rin daw aniya nila palalagpasin ang sinumang magpepeke ng dokumento para makaiwas sa batas.

Facebook Comments