Medical suspension, ipinataw ng Nevada Commission kina Pacquiao at Thurman

Naglabas ng medical suspension order ang Nevada Athletic Commission para kina Manny Pacquiao at Keith Thurman dahil sa matindi nilang bakbakan nitong nakalipas na linggo.

 

Ayon sa commission, kailangan munang sumailalim ni thurman sa x-ray para matiyak na walang fracture sa kanyang kanang kamay.

 

Ito ay kung gusto pa nitong lumaban bago ang Enero 17 sa susunod na taon.


 

Ang minimum suspension na ipinataw kay Thurman ay hanggang September 4 o hanggang August 20.

 

Maliban kay Thurman, pinatawan din ng medical suspension si Pacquiao hanggang August 20 na wala dapat gagawing pagboboksing hanggang August 11 nitong taon.

 

Ang sinumang susuway sa utos na ito ay bibigyan ng temporary ban.

Facebook Comments