Rapid testing bilang clearance sa returning employees, hindi inirerekomenda ng DOH

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga kumpanya na hindi dapat gamitin ang rapid testing sa mga empleyadong babalik sa kanilang trabaho.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posible kasing maglabas ito ng false positive at false negative results.

Nakasaad sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang rapid testing results ay hindi maaaring gawing kondisyon para sa isang empleyadong nais bumalik sa trabaho.


Pero aminado si Vergeire na maraming kumpanya ang nagsasagawa ng rapid testing sa kanilang manggagawa bilang clearance para payagan muli silang magtrabaho.

Una nang ipinanawagan ni Trade Secretary Ramon Lopez sa mga negosyo at kumpanya na gamitin ang PCR-based testing para salain ang kanilang mga manggagawa.

Facebook Comments