RSSF ng PNP, inalis na sa Batangas

Balik na sa kanilang normal na duty ang augmentation force ng Philippine National Police (PNP) na ipinadala sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac, iniutos na ni PNP Chief General Archie Gamboa kagabi ang pagalis ng 2,000 mga pulis na na nagbantay sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ito ay bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aala sa mga kalusugan ng mga pulis dahil nakalanghap na umano ng maraming abo mula sa bulkan.


Epektibo ngayong araw, magbabalik na sa kani-kanilang unit ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) habang ang mga pulis naman mula sa PNP-CALABARZON ay mananatiling naka-deploy para umalalay sa security at relief operations sa Batangas.

Facebook Comments