RECORD BREAKING | Longest ice cream treat sa Texas, dinumog!

31

Texas – Nagtipon-tipon ang apat na libong volunteers sa ginanap na Spirit of Texas Festival para gumawa ng record-breaking ice cream treat na sumusukat sa halos milyang haba.

Nasungkit nila ang world record para sa “Longest Ice-Cream Dessert” na may sukat lang naman na 4,549-foot at 3.36-inch long!

Ang sundae ay ginawa gamit ang 500 gallons ng HEB Texan tackle crackle ice-cream at sinamahan ng 300 gallons ng chocolate at strawberry syrup, 2,000 cans ng whipped cream, 25 pounds ng sprinkles, at 20,000 cherries.

Ayon kay Spirit of Texas Organizer Cynthia Caronna, malaki ang naging papel ng buong komunidad para ma-kumpleto ang naturang record.

Matapos ang record attempt, masayang pinagsaluhan ng mga dumalo sa event ang napakahabang ice cream treat.

Facebook Comments