RECORD BREAKING | Mahigit dalawang libong kababaihan sa Ireland, nakakuha ng bagong record

Ireland- Isang kakaibang record breaking event ang ginawa ngayon ng mga kababaihan sa Ireland.

Nabatid na aabot sa 2,505 na mga babae na naka-hubo at hubad ang sabay-sabay na nag-swimming sa malamig na tubig sa Magheramore Beach sa County Wicklow.

Umabot ng limang minuto ang ginawang pagligo ng mga ito kung saan nasungkit nila ang Guinness World record na “Largest Skinny Dip”.


Ginawa nila ang record breaking event para maka-ipon ng pera para sa mga cancer patients at bilang pagsuporta na din sa mga ito na kaya nilang malabanan ang ganitong uri ng sakit.

Sad story naman ito para sa mga kalalakihan, dahil hindi sila pinayagan makalapit sa nasabing event at nakapanood lamang sila nito ng ilang kilometro ang layo kung saan nangailangan pa sila ng binoculars.

Facebook Comments