SUPPORTIVE | John Lloyd Cruz, dumalaw sa preliminary investigation sa mga kasong kinakaharap ng partner niyang si Ellen Adarna

Manila, Philippines- All out support ngayon ang ipinakita ng aktor na si John Lloyd Cruz matapos itong dumalo sa preliminary investigation sa mga kasong cybercrime at child abuse na kinakaharap ng partner nitong si Ellen Adarna.

Kasama ni Lloydie sa Pasig City Office of the Prosecutor kahapon ang legal council ni Ellen kung saan nakaharap nila ang magulang ng teenager na si Eleila Santos na inakusan ng sexy actress na paparazzi.

Tumagal ang preliminary investigation ng halos kalahating oras kung saan hiniling ng kampo ni Ellen na muli itong ma-reschedule sa June 25.


Ito ay dahil sa nagluluksa pa daw si Ellen matapos na mamatay ang kaniyang ama na si Alan Adarna noong nakaraang linggo.
Matapos naman ang preliminary investigation ay dumiretso na sa kaniyang saksakyan si Papa John Lloyd at hindi na ito nagpa-unlak pa ng interview.

Facebook Comments