Manila, Philippines – Isang daang mga bagong patrol vehicles ang ibinigay ng Japan Government sa Philippine National Police (PNP).
Pinangunahan mismo ni PNP Chief Ronald Del Rosa at ni Japanese Ambassador Hoji Kaneda ang ceremonial turnover and blessing sa isang daang patrol vehicle na isinagawa mismo sa harap ng PNP National Headquarters sa loob ng Camp Crame
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, ang 100 bagong patrol vehicles na ito ay may halagang 210 milyong piso na malaki ang maitutulong sa ginagawang pagpapatrolya ng PNP na layong mabawasan ang anumang krimen.
Pero sinabi ng opisyal na may suhestyon na ang Japan Government, at ito ay gusto nilang -ideploy ang mga bagong patrol vehicles sa mga lugar na maraming naninirahang mga Japanese.
Pinayuhan na rin daw ni Dela Rosa ang PNP Directorate for Logistics na tiyaking gagamitin lamang ang mga bagong patrol vehicles sa pagpapatrolya at hindi para gawing personal na gamit ng commander o hindi kaya ipa-repaint ito para gawing private vehicle.