General Santos City— Nagbunyi ang buong Police regional Office 12 matapos na tanghaling best Public Safety Battalion ang Regional Public Safety Battalion 12 sa ginanap na 116th Police Service Anniversary Rites at pagbibigay pugay sa mga personahe ng kapulisan sa PNP Grandstand, Camp Crame Quezon City noong nakaraang linggo.
Personal naman na iniabot ni Presidente Rodrigo Roa Duterte, Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-In-Charge Catalino S. Cuy at PNP Chief, Police Director General Ronald M. Dela Rosa, ang award kay PSSUPT Michael F. Lebanan, ang kasalukuyang Battalion Commander ng RPSB12.
Ang pagpili ng best PNP unit ay ginagawa taun-taon kasabay ng validation ng mga personahe galing Higher Headquarter ng Philippine National Police kung saan ang nasabing award ay basi sa kanilang mga nagawa noong nakaraang taon.
Kasali sa mga naging basehan sa ginawang validation ay ang units’ capability kabilang ang SWAT, SAR, EOD at CDM, maging ang Document Audit, Scenario tulad ng hostage, hot pursue at Internal Security Operations.
Sa taong 2016 ay pinamuan ni Police Senior Superintendent Rolly Octavio na sinundan ni Police Senior Superintendent Romeo Ruel Berango na ngayon ay OIC City Director na ng GenSan City Police Office ang 524 na miyembro nito at nagkaroon nga maraming malalaking operasyon at mga accomplishment.
Isa sa mga malalaking operasyon ng RPSB 12 ay ang pagkakapatay kay Mohammad Jaafar Sabiwang Maguid o mas kilala bilang Tokboy Magid, Tikboy Maguid at Madz, na kinosiderang top 1 most wanted person sa probinsya ng Sarangani , maging ang pagkakahuli sa talo pa nitong mga kasamahan.
Malaki naman ang pasasalamat ng RPSB 12 kay PRO 12 director Police Chief Superintendent Cedrick Train dahil sa suportang ibinibigay sa kanila sa lahat ng operasyon na kanilang ginagawa.
Kung matatandaan taong 2003 pa huling nakatanggap ng parangal ang RPSB 12 na noon ay tinawag pa na Regional Mobile Group.