REGISTRATION NG 2022 AKLAN YOUTH PROVINCIAL OFFICIALS SEARCH NAG UMPISA NA

Kalibo, Aklan – Nag umpisa na ang registration sa mga interesadong 15 to 17 years old na Aklanong gustong maging masunod na Aklan Provincial Youth Officials. Ang pagiging Aklan Provincial Youth Officials ay nagsisilbing lugar para sa mga masunod na lider ng lalawigan kung saan matutunan nila dito ang kaalaman ukol sa functions ng gobyerno na naaayon sa problema at kaunlaran. Kailangan lamang aniya na ang mga aplikante ay nakatira sa Aklan na hindi bababa sa 6 na buwan, estudyante sa isang secondary school na merong good moral character at kayang umatend ng official function during regular office hour. Ang kwalipikadong aplikante umano ay kinakailangang kumuha ng written tests sa English at General Information. At ang top 14 na nakakuha ng highest general averages sila ang magsisilbing Provincial Youth Governor, Provincial Youth Vice Governor,, Provincial Youth Senior Sanggunian at ang iba ay Provincial Youth Sanggunian.
Facebook Comments