
Isinulong ni 1Tahanan Party-list Representative Nathaniel Oducado na mabusisi ng Kamara ang umiiral na regulasyon sa paggamit ng vape kaugnay sa implementsyon ng Republic Act 11900.
Nakakaalarma na para kay Oducado ang tumataas na bilang ng mga gumagamit ng vape lalo na ang mga Kabataan.
Nakapaloob sa inihaing House Resolution No. 43 ni Oducado na aalamin sa pagdinig ang kahinaan sa regulasyon at hurisdisyon sa mga e-cigarette at heated tobacco product ng kaukulang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Trade and Industry (DTI).
Giit ni Oducado, kailangang maituwid ang mga maling akala sa paggamit ng vape kung kaya marami ang nahihikayat na gumamit nito lalo na ang kabataan.
Facebook Comments









