MANILA – Sinamapahan ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa Office of the Ombudsman si Sen. Leila De Lima.Kaugnay ito ng paglipat kay Sebastian sa Building 14 ng New Bilibid Prison matapos ang isinagawang raid sa Maximum Security Compound.Pero, hindi ito tinanggap ng Ombudsman ang reklamo dahil kailangan sa paghahain ang personal apperance ng complainant para panumpaan ang reklamo.Ang asawa dapat ni Sebastian ang kakatawan pero hindi ito nagpunta at ang abogadong si Erduardo Arriba ang naghain ng reklamo.Nauna nang hiniling ni Sebastian kay De Lima na huwag siyang ilipat sa Building 14 dahil nandoon ang Bilibid 19, na pinagbintangan umano siyang nagsumbong sa mga otoridad kaya nagsagawa ng raid sa Bilibid.Tinawag naman ni Justice Secretary Vitalliano Aguiree, na drama lamang ang pagsasampa ng reklamo ng kampo ni Sebastian.Ayon kay Aguirre, hindi kapani-paniwala ang hakbang lalo’t biglang binawi ni sebastian ang nauna na nitong pahayag na handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon.Samantala, nakatakdang magpunta ngayong araw ang misis ni Sebastian sa Ombudsman para ituloy ang paghahain ng reklamo laban kay De Lima.
Reklamo Ng High Profile Inma Te Na Si Jaybee Sebastian Laban Kay Sen. Leila De Lima, Hindi Tinanggap Ng Ombudsman
Facebook Comments