Rekomendasyon sa pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao, isusumite na ng PNP sa Pangulo bukas

Manila, Philippines – Matutuloy na ang rekomendasyon ng PNP sa pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, ngayong araw tatapusin na nila ang kanilang position paper na magpapaliwanag kung bakit dapat i-extend ang batas militar sa Mindanao.

Bukas aniya, isusumite na nila ito sa Malacañang.


Hindi naman masabi ni Bato kung ilang araw ang hihilingin nilang extension at kung buong Mindanao pa rin ang sasakupin ng batas militar.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments