Religious group na MCGI, namigay ng food packs sa Manila Police District

Namahagi ng libreng food packs ang religious group na Members Church of God International (MCGI) sa mga pulis na naka-duty sa Manila Police District Headquarters nitong May 25, 2021.

Ang MCGI ay kilala sa long-running religious program nito na “Ang Dating Daan.”

Ayon sa grupo, ito ay bilang pasasalamat sa mga frontliner nating mga pulis na araw-araw na isinusugal ang kanilang buhay, masiguro lamang na nasusunod ng mga tao ang health protocols para maiwasan ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19.


Kasabay nito, patuloy na isinasagawa ng grupo ang MCGI Feeding Program sa iba’t ibang mga lugar sa bansa, maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Layon nitong maabot ang mga kapwa taong nagugutom at kapos ngayon sa pambili ng pagkain dulot ng nararanasang pandemya.

Unang inilunsad ang global feeding program ng MCGI matapos ang matagumpay na global opening ng MCGI Free Store noong March 14, 2021 kung saan umabot na sa humigit-kumulang 100,000 ang naging recipients.

Ilang dekada na ang nakalipas nang simulan ng MCGI ang mga programang ito at mas naging aktibo pa ngayon dahil sa nakitang pagdami ng mga nangangailangan.

Kaugnay nito, una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, Pol. Gen. Guillermo Eleazar na katuwang lagi ang kapulisan sa pagpapatupad ng kaayusan sa iba’t ibang gawain o programang makakapag-abot ng tulong sa ating mga kababayan.

Ito’y matapos magsulputan at dumami ang mga community pantries at free stores sa buong bansa na trending pa rin hanggang ngayon sa social media.

Sa panahon ngayon na marami ang nakakaranas ng kahirapan sa buhay, nagsisilbi naman itong mabuting pagkakataon para sa mga may kakayahan na tumulong kahit sa maliit na paraan.

Katunayan lamang ito na buhay na buhay pa rin ang “bayanihan spirit” ng mga Pinoy at patunay rin na mas marami ngayon ang sumasampalataya sa Diyos at nagtitiwala sa Kaniyang magagawa.

Facebook Comments