Thursday, February 12, 2026

Rep. Leviste, tumangging kumpirmahin ang umano’y text messages sa pagitan ni Pangulong Marcos at Usec. Bersamin kaugnay sa kickbacks mula sa flood control scandal

Walang direkta o malinaw na sagot si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kaungay sa umano’y palitan ng text messages sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at dating Presidential Legislative Liaison Office Usec. Adrian Bersamin patungkol sa “kickbacks” mula sa maanumalyang flood control projects.

Ayon kay ACT Teacher’s Partyist Rep. Antonio Tinio, isa umano Rep. Leviste sa mga “source” ng nabanggit na text messages kaya sya ang magsapubliko nito dahil sya ang makakapagpaliwanag kung paano nya yun nakuha.

Pero diin ni Leviste, sa mga nagtatanong kung totoo bang may hawak sya na iba pang ebidensiya kaya pinakiusapan syang mag-abroad ay panoorin na lang ang mga pahayag nina Representatives Antonio Tinio at Egay Erice.

Binanggit ni Leviste na hindi na sya magbibigay ng bagong pahayag.

Sa halip ay muling ipinost ni Leviste sa kanyang facebook page ang nauna nyang pahayag na ilalabas nya sa “tamang panahon” ang mga hawak nyang ebidensya ng pagtanggap ng kickbacks mula sa maanumalyang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments