Repatriation flights para sa mga stranded OFWs, magsisimula sa July 10

Maglulunsad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng repatriation flights para sa 1,800 OFWs na stranded sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay DOLE Information and Publication Service Director Rolly Francia, ang repatriation flights ay magsisimula sa July 10.

I-aanunsyo sa mga susunod na araw ang departure at bilang ng flights.


Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang mangangasiwa ng repatriation flights para sa mga stranded OFWs sa UAE bukas, July 2.

Facebook Comments