Report Ng Bantang Pag-Atake Sa Bisperas Ng Us Presidential Elections, Iniimbestigahan Na

MANILA – Pinaigting na ang seguridad sa Amerika kasunod ng impormasyon ng posibleng pag-atake ng terror group na Al-Qaeda sa bisperas ng eleksyon.Sinusuri na ng Federal Bureau of Investigation at ng New York Police Department ang kredibilidad ng natanggap na terror attack.Sinabi ng mga Opisyal na hindi nila ipinagsasawalang bahala ito at nire-review na ng Counterterrorism Investigators ang nasabing impormasyon kung saan tinukoy ang New York, Texas at Virginia bilang posibleng target ng karahasan.Sa kabila nito ay tiniyak naman ng mga US Officials na regular nilang ina-assess ang lahat ng mga posibleng banta na natatanggap bago pa man ang mismong araw ng mga naglalakihang events.Kapwa magkakaroon ng Election Day parties sina Democratic Nominee Hillary Clinton at Republican rival nito na si Donald Trump sa mismong araw ng eleksyon sa Estados Unidos sa November 8 o November 9, oras sa Pilipinas at New York City.

Facebook Comments