Report ng PNP ukol sa mga naarestong IT experts, hinihingi ng Senado

Hihingan ng Senate Committee on Electoral Reforms ang Philippine National Police PNP-Anti-Cybercrime Group ng report ukol sa naarestong tatlong IT experts na nagsabing kaya nila i-hack ang system ng commission on elections.

Ayon kay Senator Imee Marcos na syang chairman ng komite, kailangan muna nilang makita ang soliding ebidensya laban sa mga naaresto bago sila maglatag ng kaukulang hakbang.

Ang komite ni Marcos ay nagsagawa ng serye ng pagdinig ukol sa preparasyong ng Commission on Elections (COMELEC) sa nalalapit na eleksyon at sa isyu ng paghack sa data ng Smartmatic.


Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Senator marcos kung nakakaalarma ang kakayahan ng naturang mga IT experts para i-hack ang systems ng Commission on Elections (COMELEC) kaya mahalaga aniya na mapag aralan at masuri ang mga detalye at ebidenyang batayan ng pagdakip sa kanila.

Diin ni Marcos, kailangang matiyak na magiging malinis ang nalalapit na halalan para hindi makwestyun ang integridad nito.

Facebook Comments