Philippine Embassy sa Bahrain, kuntento sa turnout ng absentee voting doon sa nakalipas na linggo

Kuntento ang Philippine Embassy sa Bahrain sa bilang ng mga Pilipinong lumalahok sa overseas absentee voting doon.

Ayon sa embahada, dumagsa ang Filipino community na bumoboto lalo na sa unang dalawang linggo ng absentee voting.

Muli namang nanawagan ang Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Bahrain na samantalahin ang paglahok sa absentee voting.


Ang embahada ay bukas araw-araw sa overseas voting mula 8:00AM hanggang 4:00PM.

Magpapatuloy ang absentee voting hanggang sa May 9, araw ng halalan sa Pilipinas.

Facebook Comments