Tutol si Cagayan de Oro 2nd District Representative Maximo Rodriguez sa panukala ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na magkaroon ng legislative police ang kamara.
Ayon kay Rodriguez na posibleng magkaroon ng duplication ang pagbuo ng ibang police force.
Naniniwala ang kongresista na magiging doble na ang trabaho ng kapulisan at magiging kulang na ang serbisyo nito sa mamamayan.
Inihayag ni Congressman Rodriguez na mas maganda kung kukuha pa ng maraming pulis at lagyan nalang ng security ang mga nangangailangan.
Dagdag pa nito na hindi din niya kailangan ang security bilang kongresista.
By: Annaliza Amontos-Reyes & Mishelle Mesias-Enloran
Facebook Comments