Sa ibinahaging impormasyon ni Vianney Uy, Nurse 1 ng Cauayan City Health Office, as of June 14, 2022 nasa 90.12 percent na ang fully vaccinated mula sa total population sa Lungsod.
Nasa 95.7 percent naman ang nabigyan ng first dose o katumbas ng 107,747 na katao.
Umabot naman sa 101,454 ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng second dose o maituturing na fully vaccinated.
Nasa kulang-kulang na labinlimang porsyento naman ang mga nagpa booster shot.
Ayon kay Nurse 1 Uy, bagamat mababa ang porsyento ng mga nabakunahan ng booster dose ay mas dumami naman ngayon ang bilang ng mga nagpapabooster.
Kaugnay nito, hinihikayat pa rin ng City Health Office ang mga hindi pa nabakunahan na magtungo lamang sa health center sa araw lamang ng Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Tags; Resbakuna,Cauayan City,Cauayan city Health Office