Residential area sa Cavite City, nasunog!

28

Caloocan City – Nasunog ang isang residential-commercial area malapit sa Sangandaan Police Station sa Samson Road, Caloocan City.

Nagsimula ang insidente alas-4:30 ng madaling araw kung saan hindi pa matukoy kung anong pinagmulan ng apoy.

Inabot ng ika-apat na alarma ang sunog at tuluyang naapula pasado alas-6:00 ng umaga.

Wala naman nasugatan sa nangyaring insidente at inaalam pa din kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok.

Facebook Comments