Tinanggihan ni Vice President at Liberal Party (LP) Chairperson Leni Robredo ang resignation ni Sen. Kiko Pangilinan bilang presidente ng LP, pati na rin ang resignation ng Secretary General ng partido, Quezon City Rep. Kit Belmonte.
Ayon kay Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo, tinanggihan ng bise ang resignation ng dalawang opisyal dahil marami pa aniyang trabahong kailangang tapusin at dapat gawin nang magkakasama.
Martes nang magresign si Pangilinan, kaugnay ng pagkatalo ng mga kandidato ng oposisyon sa midterm elections.
Ani Pangilinan, aakuin niya ang responsibilidad bilang campaign manager ng Otso Diretso.
Facebook Comments