Resolusyon na humihikaya’t sa ehekutibo na agad suportahan ang restoration ng mga heritage sites at national landmarks na sinira ng lindol, inihain sa Senado

Inihain sa Senado ang isang resolusyon na humihimok sa ehekutibo na agarang suportahan ang pagpapanumbalik at pagsasaayos ng mga cultural heritage sites at national landmarks na sinira ng magnitude 7 na lindol.

Sa Senate Resolution No. 86 na inihain nina Senators Christopher “Bong” Go at Robinhood “Robin” Padilla, layunin na matiyak ang ‘conservation’ at ‘preservation’ ng mga cultural heritage sites at national landmarks ng bansa.

Bukod dito, layon din ng panukala ang regeneration o pagbabalik ng mga trabaho at hanapbuhay na naapektuhan ng trahedya.


Tinukoy sa resolusyon ang Philippine Cultural Heritage Act at Cultural Properties Preservation and Protection Act na nagbibigay proteksyon, nangangalaga at nagsusulong ng cultural heritage at properties ng bansa gayundin ang pagpapanatili ng historical values ng mga ito.

Kabilang naman sa mga naitala ng Department of Tourism (DOT) na mga cultural heritage structures at tourist destinations na sinira ng lindol ay ang mga sumusunod:

• Sta. Catalina de Alexandria Church
• San Lorenzo Ruiz Shrine
• Heritage City of Vigan
• Vigan Cathedral
• St. John the Baptist Church
• Syquia House
• Bantay Bell Tower

Facebook Comments