Resolusyon para pakikiramay at pagkilala ng mga senador sa yumaong “sprint queen” na si Lydia de Vega, pinagtibay na

Pinagtibay na ng Senado ang Senate Resolution 127 na nagpapaabot ng pakikiramay at pagkilala sa yumaong “Sprint Queen” na si Lydia de Vega.

Ang lahat ng mga mambabatas ay co-author ng nasabing resolusyon.

Sa sponsorship speech ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, isinalarawan ng senador ang pagpapaalala ni de Vega sa karera ng buhay na hindi lamang nagsisimula sa hudyat ng pagputok ng baril at nagtatapos sa finish-line na ribbon kundi kung paano ka namuhay para sa kapwa at para sa bansa.


Sinabi ni Villanueva na dinala ni de Vega ang bansa sa pedestal dahil sa kanyang mga nauwing karangalan.

Para kay Senator Christopher Bong Go na Chairman ng Senate Committee on Sports, inilagay ni de Vega ang bansa sa international arena ng sports kung saan napatunayan na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa larangan ng sports.

Sabi naman ni Senator Jinggoy Estrada, na mahirap mapantayan ang nagawang records ni de Vega para sa bansa kung kaya’t isa ang yumaong atleta sa national treasures na maituturing at isa sa pinakamahuhusay na atleta na ng bansa.

Dagdag naman ni Senator Risa Hontiveros na ang golden victory ni de Vega noong 1980 ay mananatili magpakailanman sa sports history ng Pilipinas.

Facebook Comments