*Cauayan City, Isabela* *-* Pasado na sa ikalawang pagbasa ang resolusyong magbibigay ng kagamitang makakatulong sa mga residente ng lungsod ng Cauayan.
Ayon sa resolusyong inakdahan ni City Coun. Paul Mauricio,, ito ay upang mas mabilis na marespondehan ang mga mamamayan sa mga panahong ng pangangailangan at hindi inaasahan. Pangunahing makikinabang dito ayon pa sa Sanguniang panglungsod ay ang mga barangay ng Cauayan na nasa malalayo o liblib na lugar.
Kabilang sa balak na bilhin ng pamahalaang panglungsod kapag naipasa ang resolusyon sa pangatlo at huling pagbasa ay kinabibilangan ng 25 multicab unit na nagkakahalaga ng 8,750,000 pesos.
Inaasahan naman na mapapadali na ang pagbili ng mga sasakyan upang magamit na ito sakaling may insidente sa bawat barangay. Inaasahang pagtitibayin na ang resolusyong ito sa susunod na session ng city legislative council sa Martes, October 1, 2019.