Saturday, August 22, 2026

RMN OPLAN TABANG SA PANGASINAN, NAKAHANDA NA PARA IPAMAHAGI SA MGA APEKTADONG RESIDENTE SA DAGUPAN AT CALASIAOr

‎Nakahanda na ang mga relief packs na ipamamahagi ng RMN foundation at Metrobank foundation katuwang ang IFM Dagupan sa Oplan Tabang sa Pangasinan para sa mga naapektuhang residente sa Dagupan City at Calasiao ng mga nagdaang bagyo at ng habagat.


‎Ang mga relief packs na ito ay nakatakdang ipamahagi sa mga residente upang kahit papaano ay makatilong sa kanjlang nahihirapang sitwasyon sa gitna ng kalamidad. Karamihan sa mga ito ay mga kasalakuyang naantala ang kabuhayan dahil lubog sa tubig baha kaya walang kita at walang mapagkukunan.

‎Ilang benepisyaryong barangay ang nagpahayag naman ng kanilang pasasalamat dahil napabilang sa tulong na ipamamahagi ng RMN foundation at Metrobank Foundation.


‎Iisa lamang ang kanilang hangad—bunsod sa mga naipamamahaging tulong ay ang solusyon na rin sa kanilang lugmok na sitwasyon sa tubig baha tuwing panahon ng tag-ulan.

‎Samantala, naghahanda na rin ang IFM Dagupan para sa isasagawang Mission 2026 Handang tumulong sa’yo: Medical and Public Expo bilang bahagi ng selebrasyon ng 74th RMN Anniversary. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments