Retiradong pulis na nasa likod ng ghost pension scam, arestado

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Retirement and Benefits Administration Service (PRBS), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Quezon City Police District ang isang dating pulis na umano’y nasa likod ng ghost pension scam sa PNP.

Kinilala ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo ang suspek na si retired SP04 Romeo Arela, 65 taong gulang at residente ng Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.

Inaresto ito sa kanyang tahanan nitong Lunes, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng ilegal na pagkubra ng milyon-milyong piso sa gobyerno na tinaguriang “ghost pension scam”


Nabatid na naglalagay ng mga pekeng pangalan sa database ng PNP ng mga pensyonado ang suspek para makubra ang kanilang mga benepisyo.

Kinasuhan na ngayon ng malversation of public funds at paglabag sa anti-graft and corruption practices act ang retiradong pulis.

Facebook Comments