Ricci Rivero at CJ Cansino, hari ng PH Sports sa Twitter ngayong taon

162

Naging laman ng usapan sa mundo ng Twitter ang dalawang basketball stars ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Nangunguna sa trending o usapan sa Twitter Philippines pagdating sa sports accounts ang mga key players ng University of the Philippines (UP) na si Ricci Rivero at transferee na si CJ Cansino.

Nag-top sa listahan mula nitong 2017 si Rivero, habang laman palagi ng headlines si Cansino ngayong taon dahil sa pag-alis nito sa University of Santo Tomas (UST) at paglipat sa UP.


Ayon kay Rivero, nagpapasalamat pa rin siya sa maraming sumusuporta sa kanya.

Aniya, ‘feeling blessed’ siya dahil mayroong platform na maaari niyang gamitin para magsilbing inspirasyon sa ibang mga tao.

Para naman kay Cansino, isang karangalan na mapasama sa Top 5 na ‘most tweeted.’



Tingin ni Cansino na responsibilidad nila na maging mabuting ehemplo lalo na sa mga umiidolo sa kanila.

Maliban kina Rivero at Cansino, madalas ding usapan sa Twitter ang mga paksang ‘Lakers,’ ‘Miami Heat,’ at ‘Golden State Warriors.’


Facebook Comments