RIDER, NASAWI SA SALPUKAN NG TATLONG MOTORSIKLO SA UMINGAN

Nasawi ang isang 31-anyos na rider matapos masangkot sa salpukan ng tatlong motorsiklo sa kahabaan ng Barangay Cabanatuan, Umingan, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, biglang sinakop ng isa pang motorsiklo ang linya ng sinasakyan ng biktima na naging sanhi ng banggaan.

Dahil sa lakas ng salpukan, nadamay rin ang isa pang motorsiklo na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada.

Sugatan ang mga drayber ng dalawang motorsiklong sangkot at agad na dinala sa pagamutan, habang ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan ang mga napinsalang motorsiklo para sa kaukulang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments