Manila, Philippines – Kritikal ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay 11 sa Tondo, Maynila.
Nakatayo lamang sa tapat ng tindahan ang biktimang si Ruben Nuguit ng biglang pagbabarilin ng riding in tandem.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek kaya at hindi naplakahan ang ginamit nilang motorsiklo.
Tama ng bala sa ulo, hita at tagiliran ang natamo ni Nuguit na agad na dinala sa Gat Andres Bonifacio Hospital.
Inaalam pa rin hanggang sa ngayon ng Manila Police District (MPD) kung ano ang motibo sa pamamaril sa biktimang si Nuguit.
Facebook Comments