Mariing tinututulan ng Gabriela Party list ang risk-based na Special Risk Allowance (SRA) para sa mga health workers.
Kahapon ay inaprubahan sa Committee on Appropriations ang pagbibigay ng allowance sa mga healthcare workers depende sa risk level ng lugar.
Giit ng Gabriela, ang “One COVID-19 Allowance” na nais ng Department of Health (DOH) ay mapanlinlang at discriminatory para sa mga medical frontliners.
Sa halip ay mas isinusulong ng Gabriela ang P15,000 SRA para sa lahat na ng health care workers na nakapaloob sa House Bill 9640.
Dagdag pa sa panukala ang P5,000 active-duty hazard pay na hindi pro-rated at kada buwan na matatanggap ng mga health care workers.
Katwiran ng grupo, lahat naman ng health workers ay may high risk exposure sa COVID-19 dahil ang mga ito ang nasa frontline.
Ang pinakamaitutulong na nga lang ng gobyerno sa mga healthcare personnel ay tuparin ang kanilang demands para sa nararapat at uniform na allowance at mga benepisyo.