RMN FOUNDATION AT RMN MANILA RADIO STATIONS NAGKASA NG OPLAN TABANG (TULONG) SA MGA TSUPER

Oplan Tabang Ppra sa mga Tsuper

FOR RELEASE

Contact             : RMN Foundation, Inc.
Phone               : 0927-901-4177 (Globe) or 0928-987-6936 (Smart)
Email               : rmnfoundation@rmn.ph

(Makati, Philippines, May 20th 2021) Higit isang taon nang hindi nakabibiyahe ang mga tsuper ng jeepney ng grupong PASODA-PISTON dahil sa pandemya. Tanging pamamasada lang ang kanilang ikinabubuhay ngunit nawala pa ito matapos silang patigilin ng pamahalaan bilang bahagi na rin ng restrikong ipinatutupad na protocols upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.


Noong May 5, 2021 bilang tugon sa mga tsuper, nag-paabot ng munting tulong ang RMN Foundation, Inc., katuwang ang RMN Manila radio stations (DZXL Radyo Trabaho 558 kHz at 93.9 IFM Manila) ng mga packed meals mula sa Virginia Food Incorporated, hygiene kits mula sa ACS Manufacturing Corporation, at mga biscuits mula sa Republic Biscuit Corporation (Rebisco Foundation).

Dahil walang ibang hanapbuhay, umaasa na lamang sila sa mga ayudang ibinibigay ng pamahalaan at ng mga pribadong sektor. Sa ngayon ay nanatili ang higit tatlumpung 30 pamilya ng mga tsuper sa isang bakanteng lote bilang kanilang terminal sa panulukan ng Regalado Avenue at Pontiac Street sa West Fairview, Quezon City na naghihintay na muling makabiyahe.Tanging panlilimos na lamang ang kanilang ginagawa habang may suot-suot na karatula ng panawagan upang magkaroon ng pantustos sa kanilang pangangailangan. Ang malilikom nila sa maghapon ay kanilang paghahatiin upang may pantawid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ayon kay Ka-Larry Valbuena, Presidente ng grupo, nagbalik sila sa kalye hindi para bumiyahe kundi para manghingi ng ayuda at mamalimos dahil wala naman daw silang natatanggap na tulong mula sa pamahalaan matapos silang patigilin sa pamamasada.

Ani Ka-Robert Agnes, isa sa mga tsuper na nawalan ng hanapbuhay na kahit sa panaginip ay hindi niya aakalain na aabot sila sa panlilimos sa kalye upang makahanap lamang ng panggastos sa pang-araw-araw. “Lubhang napakalaking po talaga ng epekto sa amin ang di mabigyan an gaming ruta lalong-lalo na po ang mga mananakay napapalaki ang kanilang pamasahe dahil palipat-lipat sila ng masasakyan…” ani Agnes.

Bukod sa grupong PASODA-PISTON, nabigyan din ang isang daan at tatlong (103) miyembro ng MBB JODAI-PASANG MASDA ng packed meals, hygiene kits, at biscuits kung saan ay nakapwesto sa ilalim ng tulay sa Balintawak, Quezon City. “Isang napakalaking tulong po sa amin lalong-lalo na po ang inyong ibinigay, di lang sa aking asawa ang natuwa dahil sa natanggap na sabon at dishwashing, at biscuits naman para sa aking mga apo… maraming salamat po sa RMN Foundation at mga sponsor…” ani Agnes.

Nagpapasalamat naman ang RMN Foundation sa DZXL Radyo Trabaho 558 kHz, 93.9 IFM Manila Virginia Food Incorporated, ACS Manufacturing Corporation, at Republic Biscuit Corporation bilang katuwang upang maisakatuparan ang proyektong ito, para sa apat na daang (400) indibiduwal apektado ng pandemya.

###

Sa mga nais makiisa at maghatid ng tulong, maaari magpadala ng inyong donasyon sa BPI Bank Account No. 0071-1015-25, UCPB Bank Account No. 201-340-005-360 o makipag-ugnayan sa RMN Foundation Facebook Page o mag-email sa rmnfoundation@rmn.ph. Bisitahin din ang www.rmn.ph.

 

 

Facebook Comments