RMN Foundation, pangungunahan bukas ang presentasyon sa usapin ng Arts and Culture sa ginaganap na LCF EXPO 2024 sa Makati

Pangungunahan ng RMN Foundation ang presentasyon bukas ng pagtalakay sa Arts and Culture sa ginaganap na League of Corporate Foundation (LCF) EXPO 2024 sa Makati City.

Present sa magiging presentation sina RMN Vice President and RMN Corporate Communications Head Enrique “Ikey” Canoy at RMN Foundation Manager Patrick Aurelio.

Magiging sentro sa pagtalakay sa isyu ng Arts and Culture ang hinggil sa mental health ng mga sibilyan sa mga komunidad kung saan inihahatid ng RMN Foundation ang Oplan Tabang relief operations.


Ang RMN Foundation ay kilala sa pakikipagsanib-puwersa sa iba pang foundations na may kapareho nilang adbokasiya.

Ang RMN Foundation din ay limang taon nang lumalahok sa CSR EXPO ng League of Corporate Foundation.

Kaugnay nito, sunod naman na hahatiran ng tulong ng RMN Foundation ang ilang lugar sa
Mindanao.

Facebook Comments