RMN poll: Mas maraming sumang-ayon na ipasa ang Eddie Garcia Law

via RMN Files

Sa poll na ginawa ng RMN News, lumabas dito na mas maraming sang-ayon sa gustong ipasang bill ni Mikee Romero na “Eddie Garcia Law.”

Si Mikee Romero, stepson ng yumaong beteranong aktor na si Eddie Garcia, ay representative ng Pacman partylist na gustong magpasa ng bill kung saan naglalayong maprotektahan ang kalusugan ng mga aktor sa taping o set.

Sa 580 votes, 73% ang nagsabing oo at 27% ang hindi pabor na ipasa ang bill sa pagbubukas ng 18th Congress ngayong Hulyo.


Layunin din ng bill na 8 hanggang 12 na oras lamang ang nakatakdang working hours para sa mga aktor, depende sa edad.

Ayon sa isang netizen na nagkomento, “Hindi na kailangan ang gobyerno ang magprotekta sa kalusugan ng actor, may kontrata na siya sa kanyang temporal employer, at ang kailangan niya ay accident insurance, malaki na ang kita gobyerno pa rin ba ang makikialam? ang daming mga walang hanap buhay na Pilipino pagnagkasakit walang nakikialam, aagawan pa ng mga ganid na mga mapera?”

Pahayag naman ni Noel Lazardibal, “No need, we have lots of existing laws aimed to protect employees/workers in their employment, I.e. always keeping their place of work in good sanitary, healthy and safe condition.”

Facebook Comments