ROAD ACCIDENT | Lalaki, patay nang maaksidente sa motorsiklo sa Sta. Maria, Pangasinan

Pangasinan – Patay ang isang lalaki makaraang maaksidente sa kanyang motorsiklo sa bayan ng Sta. Maria, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Alfred Gayap, residente ng Barangay Sta. Rosa ng nasabing bayan.

Sa ulat, bumangga sa gutter ng tulay ang motorsiklong sinasakyan ng biktima habang binabagtas nito ang kahabaan ng Narciso Ramos Bridge sa Barangay San Patricio.


Nagtamo ng mga sugat sa kanyang katawan ang biktima kung saan natagalan bago dumating ang rescue kaya at hindi na ito umabot pa ng buhay sa ospital.

Facebook Comments