ROAD ALERT | DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend sa Quezon City at Caloocan

33

Manila, Philippines – Simula bukas alas onse ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw ng Lunes (February 19), sasailalim sa Road Reblocking ang ilang kalsada sa Quezon City at Caloocan.

Sa Quezon City:
Outerlane ng Visayas Avenue tapat ng Department of Agriculture (DA);
Middle lane ng A. Bonifacio Avenue, mula Calavite St. hanggang Mariveles St;
5th lane ng EDSA pagitan mula Landers hanggang Howmart;
1st lane ng Congressional Avenue Extension corner Tandang Sora Ave.;
1st lane ng Congressional Avenue bago mag Visayas Avenue;
3rd lane ng Congressional Avenue between EDSA to Cagayan Street;
Inner lane ng Quirino Highway mula T. Urbano hanggang pagkabuhay road;
At Southbound direction ng middle lane ng A. Bonifacio Avenue crossing ng Sgt. Rivera.

Habang sa Caloocan City:
Bonifacio Monumento Circle;
Alt Route: Gen Tino & B. Serrano Road;

Pinaiiwas na ang mga motorista sa mga nabanggit na kalsada upang hindi na maabala pa sa pagbiyahe.

Facebook Comments