Kalibo, Aklan – Bilang pagsunod sa Memorandum Circular 2019-121 na nauna nang ipinatupad ng Department of Interior and Local Government Code (DILG) at dahil na rin sa kabiguan na ma sustain ang programa ay muling ipapatupad ang Road Clearing 2.0.
Ito ang pahayag ni Engr. Carmelo Orbista, Provincial Director ng DILG-Aklan kahapon sa isinagawang meeting.
Ayon sa kanya na sa unang version ng implementasyon na 1.0 ay sakop lamang ng road clearing ang mga municipal road pero sa bagong order ay sakop na dito ang barangay road at provincial road.
Ipapatupad lamang anya ito sa loob ng 75 araw na base rin sa ipinalabas na Memorandum Circular 2020-027 ni DILG Secretary Eduardo Año para ipatupad ang nasabing programa at tuloy-tuloy na.
Nagsimula na ang implementasyon noong Pebrero 15 at magtatapos sa Abril 30.
Road Clearing 2.0 ng DILG ipapatupad sa lahat ngpampublikong daan sa loob ng 75 araw
Facebook Comments