ROAD CLEARING OPERATIONS, ISINAGAWA SA ANDA MATAPOS ANG PANANALASA NG SUPER TYPHOON UWAN

Matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Uwan, agad na nagsagawa ng Road Clearing Operation ang Anda Municipal Police Station (MPS) sa mga Barangay ng Tondol, Carot, San Jose, Awile-Macandocandong, at Toritori-Batiarao.

Ang operasyon ay isinagawa katuwang ang lokal na pamahalaan ng Anda at iba pang concerned agencies upang matiyak ang kaligtasan at mabilis na pagbabalik sa normal ng mga residente, lalo na sa mga pangunahing kalsada sa Brgy. Tondol, Anda, Pangasinan.

Ipinakita ng mabilis na pagtugon ang pagkakaisa at malasakit ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan sa bayan ng Anda.

Ayon sa mga awtoridad, patuloy pa rin ang kanilang pagtutulungan sa paglilinis at pagpapanumbalik ng kaayusan sa mga naapektuhang lugar sa kanilang nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments