ROAD CRASH | DFA kinumpirmang walang Pinoy na namatay sa Kenya

36

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Kenya matapos ang isang malagim na aksidente.

Noong Miyerkules, 56 na katao ang nasawi makaraang bumaligtad ang isang pampasaherong bus sa western part ng Kenya.

Sinabi naman ni Ambassador to Kenya Uriel Norman Garibay na tinatahak ng bus ang Londiani-Muhoroni Road mula sa Nairobi nang maganap ang aksidente.

Walang ibang sasakyan na sangkot at inaalam na ng mga otoridad doon ang sanhi nito.

Samantala sa report ng Philippine Embassy sa Nairobi sinabi nito kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na walang Pinoy casualties.

Tinatayang nasa 385 Filipinos ang nasa Kenya.

Facebook Comments