Nagsagawa ng produktibong pagpupulong ang Pamahalaang Panglungsod at Department of Public Works and Highways para sa mas maayos na pagpapatupad ng mga road project at nakaambang plano sa Dagupan City ngayong taon.
Naging pokus ng meeting ang pagsusuri sa mga planong road improvements, flood control, at mga imprastraktura na nakalaan para sa taong 2026, kabilang ang pagsilip sa mga pagbabagong idinulot ng konstruksyon ng mga kalsada sa bahagi ng Rizal, Mayombo at Tapuac, maging ang mga drainage at iba pang daan na nananatiling apektado tuwing may baha at high tide.
Binigyang-diin ang koordinasyon ng dalawang tanggapan bilang sus isa maayos na serbisyo publiko at upang matiyak na ang pondo ng bayan ay magbubunga ng de-kalidad na pasilidad para sa bawat Dagupeño.
Dahil sa kolaborasyong ito, asahan ang mas mabilis at mas progresibong kakalsadahan at drainage system sa Dagupan na malaking ambag sa ekonomiya ng lungsod.










