Road Obstructions sa Lungsod ng Cauayan, Tinatanggal na ng Clearing Task Force!

*Cauayan City, Isabela- *Muling nagpaalala ang binuong Clearing Task Force sa Lungsod ng Cauayan sa publiko partikular sa mga may-ari ng pribadong establisyimento na boluntaryo o kusa na nilang bakbakin ang kanilang mga str uktura na sanhi ng road obstructions.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Edward Lorenzo, kanyang ipinaliwanag na 15 metro mula sa center road ay pag-aari ng gobyerno.

Aniya, nagbigay na sila ng kasulatan sa mga may-ari ng mga establisyimento na nasa sakop ng daan na tanggalin na ang mga ito sa loob lamang ng sampung (10) araw.


Kahapon ay napilitang gibain ng task force ang ilang waiting sheds sa brgy. Sillawit habang boluntaryo namang inalis ng mga residente ng Brgy. Nungnungan 1 ang kanilang mga kagamitan na lumagpas sa itinakdang sukat sa mga lansangan.

Dagdag pa ni Engr. Lorenzo na magpapatuloy ang kanilang clearing operation hanggang Sept. 29, 2019 at inaasahan na sa pamamagitan nito ay mas magiging maayos at maluwang na ang mga pangunahing lansangan sa Lungsod.

Facebook Comments