Robi Domingo, nag-sorry kay Kathryn Bernardo dahil sa isang video

Nag-trending ang video na kinunan ni Robi Domingo backstage sa ASAP kung saan makikita na tinutukso ni Robi si Daniel Padilla at Liza Soberano na parehong nababalitaang may relasyon sa kanilang mga ka-love team.
Ayon kay Kathryn Bernardo, tumawag si Robi Domingo sa kanya para humingi ng tawad sa nangyari.
Dagdag pa niya, kilala naman niya si Robi at alam niyang wala itong masamang intensyon sa nangyari. Di umano ay nagkamali lamang ng interpretasyon ang mga nakakita ng video at sa ngayon ay naayos na ang isyu.

Facebook Comments