Roque, walang interes bilang susunod na PhilHealth President

58

Nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang interes na maging susunod na pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Roque na isa sa mga nagtulak ng Universal Health Care Law, masyado na siyang abala sa pagiging tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sinabi ni Roque na may mga lumulutang ng posibleng kandidato na maging bagong PhilHealth Chief.

Muling iginiit ni Roque na ang susunod na PhilHealth President ay kailangan may integridad at mayroong mahusay na pamamahala at marunong protektahan ang kaban ng bayan.

Nabatid na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw ni Ricardo Morales bilang PhilHealth Chief at umaasang makakarekober siya mula sa kanyang sakit.

Facebook Comments