Manila, Philippines – Pinalawig ng Department of Transportation (DOTr) ang ruta ng point-to-point (P2P) bus routes sa Metro Manila.
Mula sa dating dalawang ruta at 36 na bumibiyaheng bus, mayroon nang walong ruta at 85 bumibiyaheng bus ang P2P bus service.
Kabilang sa mga ruta ng P2P ay ang
-Trinoma/Centris sa Quezon City hanggang Glorietta 5 sa Makati;
-Robinsons Galleria sa Pasig City hanggang Park Square sa Makati;
-Alabang Town Center hanggang Greenbelt;
-SM North EDSA hanggang SM Megamall;
-Fairview hanggang Makati;
-Alabang hanggang Ortigas;
-Starmall Alabang hanggang Vista Mall daang hari sa Bacoor, Cavite at
-Starmall Alabang hanggang sa Dasmariñas, Cavite.
Target naman ng DOTr, na gawing 40 na ang ruta ng P2P bago matapos ang taong 2017.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558