MANILA – Kahit nasugatan sa riot, ipapatawag pa rin ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa pagdinig ng kamara sa umanoy transaksyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison sa susunod na linggo.Sa interview ng RMN kay Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali, sinabi nitong mayroon ng subpeona para kina Sebastian, mga driver ni Sen. Leila De Lima na si Jonel Sanchez at Ronnie Dayan, dating PAOCTF Executive Director Reginald Villasanta at dating BuCor Chief Franklin Bucayo.Naniniwala naman si Speaker Pantalleon Alvarez, na mayroon gustong magpatahimik kay sebastian.Sinabi ni Magdalo Partylist Cong. Gary Alejano, nakatanggap siya ng impormasyon na magkakaroon ng riot sa bilibid para mapatahimik ang ilang high value inmates na ayaw tumestigo laban kay De Lima.Samantala… Inihain na sa Senado ang resolusyon para ma-imbestigahan ang nangyaring riot.
Sa Kabila Ng Nangyaring Riot – Jaybee Sebastian, Ipapatawag Pa Rin Sa Susunod Na Pagdinig Ng Kamara
Facebook Comments