Sagot ni Gov. Imee Marcos sa sinasabing pitong libong toneladang gold bars ng pamilya

Manila, Philippines – Iginiit ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na wala siyang alam sa sinasabing 7 libong tonelada ng ginto o gold bars ng pamilya.

Bago ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability tungkol sa paggamit ng Ilocos Norte ng tobacco excise tax funds sa pagbili ng mga sasakyan ng lalawigan, ay natanong si Gov. Marcos tungkol sa mga ginto na naitatago ng pamilya.

Ayon kay Gov. Marcos, hindi niya alam ang tungkol dito at mabuting ang mga abogado na lamang nila ang tanungin.


Aniya, paguusapan pa ng pamilya Marcos at ng mga abogado ang hakbang tungkol sa sinabi ng Pangulong Duterte na bukas ang mga Marcos na ibalik sa gobyerno ang bahagi ng kanilang ill-gotten wealth.

Wala pa din aniyang negosasyon na nangyayari kung may kapalit sakaling ibabalik ang mga nakaw na yaman.

Hindi naman kinumpirma ni Marcos kung may intensyon ba talaga ang pamilya nito na isauli ang mga nakaw na yaman at kung sino sa myembro ng pamilya nito ang kumausap sa Presidente.

Sa kabilang banda ay sinabi ni Gov. Marcos na tiwala sila kay Pangulong Duterte na ito lamang ang makakatapos sa deka-dekadang kasong kinakaharap ng mga Marcos.

Facebook Comments