Sakripisyo para sa bayan, itotodo ni Ping bilang Presidente

itinuturing ni Partido Reporma Presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang pagtakbo sa 2022 elections bilang pinakamalaki niyang sakripisyo upang pagsilbihan ang mga Pilipino na patuloy na naghihirap dahil sa mga problema sa gobyerno.

Sabi ni Lacson, ito na ang huling hurrah sa kanyang pagiging public servant kung saan una siyang nagsilbi sa bayan bilang pulis, hanggang maging mambabatas.

Ayon kay Lacson, ayaw sana niyang magpatuloy pero nakita nya ang napakalalaking problema ng bansa bukod sa nais din niyang patunayan na may pag-asa pa sa ating gobyerno.


Paliwanag ni Lacson, sa buong karera niya bilang lingkod bayan ay nagawa na niya ang mga nararapat at makakaya niyang gawin upang makatulong sa bansa sa abot ng kanyang mandato.

Kaya naman para kay Lacson, sayang kung hindi niya iaambag ang kanyang experience, galing at track record na napag-aralan sa napakahabang panahon.

Siniguro ni Lacson na sa ilalim ng kanyang pamumuno, magiging prayoridad niya ang reporma sa paggasta ng pambansang badyet, modernisasyon sa mga serbisyo ng gobyerno, at pagtapos sa katiwalian sa pamamagitan ng paghabol sa mga magnanakaw at mapang-abuso sa pamahalaan.

Facebook Comments